Hindi siya mabait. Sa totoo lang nakakinis talaga siya. ginagawa niya lang kung ano ang gusto niya at siyempre pag gusto niya yun ang tama. wala siyang pakialam sa nararamdaman ng mga taong nakpaligid sa kanya. wala siyang paki alam kung magalit sa kanya lahat ng taong nakapaligid sa kanya. mayabang siya, malaki ang bilib sa sarili, conceited, babaero, moody. lahat na lang. sira ulo! madalang siyang gumawa ng tama. ganyan siya bilang tao. marami nagsasabi mababaw daw siya. walang alam sa totoong buhay. siguro nga may mga pagkaktaon na. . .hindi , hindi pagkakataon parati, parati siyang ganoon.
Pero hindi alam ng maraming tao na mabait talaga siya, sa sarili niyang paraan. kung hindi mo siya kilala sasabihin mong nakakainis siya, mayabang pero paraan niya lang yun para ipakita sa'yo para sabihin na "malapit ka sakin kaya pinapakita ko ang ugali ko sa'yo" o talagang sadyang naglalambing lang siya sa'yo. and be flattered dahil hindi naman talaga siya mahilig makipag-close sa tao.
may mga bagay siyang sinasabi na minsan normally mali at hind inaayunan ng mga tao pero ipagpipilitan pa rin niya sa'yong tama yon, pag pinag isipan mo naman sasabihin mo na may sense at tama din naman if you'll look at it in a different light.
wala siyang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao o sa mga taong nasa paligid niya. di dahil wala lang talaga siyang pakialam kundi dahil ayaw niya lang na may makakilala kung sino siya talaga di dahil duwag siya. ayaw niya lang na makita ng ibang tao yung kalungkutan niya at kaawaan lang siya sa bandang hulu. ayaw niya ng kinaaawaan siya.
mayabang siya, malaki ang bilib sa sarili, conceited. ganoon talaga siya kasi alam niyang kaya niya ang sarili niya at totoo lahat ng sinasabi niya. malaki ang bilib niya sa sarili hindi dahil puro yabang lang yon kundi dahil talagang nagawa niya yung bagay na sinasabi niya na walang pinahihirapan o taong naapakan. hindi siya mayabang, malakas lang ang loob.
babaero. maraming babae na nagpatunay nito. siguro kasi marami nga talaga siyang babae na pinaiyak, maraming babae din ang nag habol sa kanya. pero masasabi ko na hindi siya babaero. nagkataon lang na una siyang nagsawa at nakahanap ng iba. kaya hindi siya babaero.
sira-ulo. eto yung hindi ko sigurado(hahahahaha) siguro laht naman ng tao may kanya kanyang kabaliwan. extra craziness nga lang yung sa kanya kung baga sa kape extra-strong. pero hindi siya sira-ulo. nagkataon lang na mas kakaiba yung andar ng utak niya sa andar ng utak ng ibang tao.
madalang siyang gumawa ng tama. hindi yun dahil sinasadya nya mangyari yung mga ganoong bagay. sadyang hindi lang talaga tama sa ibang tao yung gingawa niya. tulad nga nung sinabi ko kanina ibang klase siya magisip pero may sense parin naman. yun nga lang makikita mo lang yung tama sa ginawa niya kapag tapos na.
moody. hindi naman siguro. mabilis lang siyang madistract, kaya mabilis magbago yung moods niya. parang babaeng nag p-PMS.
ngayon, kung itatanong niyo kung bakit ko ginawa 'tong blog na to, siguro para sa future girlfriend niya. mahirap siyang intindihin pero siguro after 1 year and 4 months mo siyang makasama sa buhay mo masasabi mo na hindi narin ganoon kasama na maging boyfriend mo siya.
marami siyang mga qualities na bigla nalang lumalabas kapag kasama mo na siya. nakatuwa din siyang companion. malambing, maharot, makulet. alam niya kung papano kukunin ang atensiyon mo kapag ayaw mo siyang pansinin.ipagluluto ka niya ng paborito mongh pag kain kahit hindi yon ang paborito mo ipaggigiitan niyang yun yon at pipilitin ka niyang sabihin namasarap ang luto niya kahit mukha namang pinaglaruan ng bata. well in the end it's the thought that really counts. kapag nag tampo ka sakanya he would do something really, really sweet and something that could really sweep you off your feet para lang tanggapin mo na yung sorry niya. magaling din siyang tigapakinig pwede mong sabihin sa kanya lahat ng problema mo at pagkatapos mong basain ang damit niya dahil sa luha mo sasabihin niya sayo'ng maayos din lahat ng problema basta maniwala ka lang.
masyado na ata akong nagiging corny. pero siguro ganto talaga. so paano Mr. A?nakabawi na ko sa'yo a. at para sa future girlfriend mo: alagaan mo yang mokong na yan pag di mo siya inalagaan i'll kill you:)
No comments:
Post a Comment